Ǝ nuff said

  1. ERASERHEADS REUNION CONCERT SA JEEPPLATE NUMBER TVX 168.
Pauwi sa San Mateo mula sa Quezon City Circle, tatahakin ko ang kahabaan ng Commonwealth avenue. Walang FX doon kaya naman araw araw eh mas madalas akong mag-jeep kesa maligo. Normal sa buhay ko ang maka-sakay sa jeep. Pero hindi ko itinuring na normal ang maka-sakay sa jeep na merong naka-kabit na PROTABLE DVD sa loob.
Dumagundong ang RNB music videos na proud na proud na pinalabas ni manong drayber. Natuwa ako. First time kong makasakay ng ganoon, eh. Pero hindi pa pala don matatapos ang saya. Nabingwit ni manong driver ang dalawa kong inaantok na mata nang i-angat nya at i-salang sa DVD player ang isang itim na DVD na may tatak na isang malaking INVERTED E. Tangina, Eraserheads Reunion Concert 2008!
Nakakatuwang makita yung portable DVD na naka-kabit sa jeep. Nakakatuwang isipin na kahit sagad sa pagod, dugo, at pawis ang mga jeepney drivers, meron pa ring ilan sa kanila na gustong ma-entertain ang mga pasahero nila. Ang pinaka-nakakatuwa, kahit madalas natin silang pinapaliguan ng mga malulutong na mura kapag kulang ang sukli, may ilan pa ring pinipilit tayong patikimin ng kaunting musika.
Trahedya ang Valentine’s ko. Ngayon lang ako nakaranas ng ganitong pagod sa kolehiyo. Naka-iwan ako ng wallet sa bahay at naglakad ng halos isang kilometro pauwi kaninang umaga. Hindi ako naka-pasok at na-miss ko ang quiz sa isang subject. Hindi namin naihabol sa adviser namin ‘yung final draft ng Thesis. Na-isnab ako ni special someone sa kasagsagan ng Balentayms. Napagalitan ako ng dalawang prof sa loob ng isang oras..
Pero nung bumagsak na yung mga unang bass notes ng Alapaap, napa-headbang ako sa jeep na parang walang naganap na sakuna. Ngayon, itinutuloy ko sa bahay ang naudlot na Ligaya. Happy Valentine’s. Eraserheads, nasaan man kayo ngayon, salamat. Ilang beses n’yo na niligtas sa pagkalumbay ang aking buhay.
EDIT: Sorry for the blurred pics. Phone cam lang gamit ko dahil di ko naman inexpect to. HAHA. Pero kung talagang fans kayo, alam nyo kung anong parts nung concert yan. :) RAKENROWL!

    ERASERHEADS REUNION CONCERT SA JEEP
    PLATE NUMBER TVX 168.

  2.    40 notes

    1. kickpessimism reblogged this from erasersandheads
    2. flyingcrumbs reblogged this from lals96
    3. eymadreamer reblogged this from elyrakarylle
    4. elyrakarylle reblogged this from erasersandheads
    5. reserese reblogged this from lals96
    6. iamcrazyandstupid reblogged this from erasersandheads
    7. lals96 reblogged this from erasersandheads
    8. pinkruffa reblogged this from erasersandheads
    9. tambaysapusomo reblogged this from erasersandheads
    10. ibabyg reblogged this from erasersandheads
    11. memorykill said: Asteeg! \m/
    12. erasersandheads posted this

Quantcast