Wow! Walong taon ng pagiging magBESTFRIEND!!! :)
Walang halong ibang tinta kundi ang pagtataka na kahit sa kabila ng pagkakaiba paanong naging isa ang timpla?
Maingay ako.. tahimik ka…
Prangka ako… malambot ka magsalita…
Palaisip ako…habang ikaw kuntento sa kung ano man ang ‘yong ginagawa…
madami ako napupuna… ikaw parang walang nakikita…
nakafocus ka sa isang bagay.. habang kalat ang utak ko….
mahilig kang gumawa ng riff ako gumagawa ng lyrics at tono…
mabagal ka kumain… ako nakakaubos ng pagkain sa loob ng limang minuto..
black yata favorite mo.. pink ang favorite ko…
makulit ako parang kiti-kiti…. ikaw parang tuod tinatamad palagi…
pero mas masipag ka sakin..magaling ka maghugas ng pinggan…
habang ako nakatunganga… sa bahay wala kaseng alam…
madami ka kumain pero di ka tumataba… ako konti lang kinain pisngi ko kumakawala…
pero sarap lang kase ang babaw lang ng kaligayahan natin… tawa dito tawa doon kahit ano kahit nakakapraning… Pero ang pinakatinetreasure ko sa lahat ay yung mga oras na pareho tayong umiiyak… di lang dahil sa nanjan tayo para sa isa’t isa pero nakita natin yung ISA na tunay at GANAP!
Lord salamat po binigyan Nyo ako ng bestfriend na tulad ni Paul! Isang tunay na kaibigan, kahit kelan di ako hinayaang masaPAUL! hahahahah! makarhyming lang ayos na! pero pwera biro Lord salamat po talaga! napakapalad ko po magkaron ng bestfriend slash KUYA! :) di man kami magkakabit sa dugo! pero Lord ginawa NYO po kame magkaptid sa SPIRITO! salamat po!!!! Salamat Ama isa syang regalo.. :)
PS: Hindi pa din ako naniniwala sa konsepto ng ‘bespren-ship’ sa pagitan boylet at gurlaloo. Laging merong something more, magkaka-iba lang ng level. Hihi