-
KALENDARYO 2012 ♥ [Flirting na hahamakin kahit ang END OF THE WORLD]
Ang hamak na taga-disenyo ng makulay na kalendaryo
Walang karapatang tumibok ang puso
Sa isang dalagang taun-taon ay kumukuha
Ng kalendaryong di mo man alam ay ako ang gumagawa
Inihndog ko sa iyo nang una kang masilayan
Kapus man ang pag-ibig, kamay mo lang ay madaanan
Sa pag-abot ng aking kalendaryong likha
Madikit lang ang mga kamay, kahit hindi na ang mukha
Ilang taon na ang binilang at ika’y bumabalik parin
Sa aking pagawaan ng kalendaryo at pagtingin
Taun-taon man ang tiis at parang walang wakas
Puso ko ‘ni minsa’y hindi ninais kumalas
Takot ko lang sa nagsabing gugunaw na ang mundo
Bali-balita’y huling taon ‘to na para sa mga tao
Hindi ko iniisip ang trabahong mawawala
Ang inaalala ko’y baka maagang matapos ang tula
Pagka’t hindi na magtatagpo paglipas ng paputok
Wala na akong hihintayin paghupa ng usok
Oo, tayo nga ay magkikita pa sa langit
Ngunit kung wala nang kalendaryo, paano ipipilit?
Mangyari mang magwakas ang buhay sa mundo,
Hindi ako mapapagod sa paggawa ng kalendaryo
Wala mang oras sa langit, pakiki-usapan ang Diyos
Pausuhin ang petsa upang kalendaryo nati’y di malaos
9 notes
-
erasersandheads posted this